KALYO
sa takbo ng buhay, hindi maiwasan masaktan.
sakit ng mga sugat dulot ng mga tao o kapaligiran,
dulot ng mga pangyayaring di mo inaasahan
o kaya mga pangyayaring di mo iniwasan.
sa simula, ang hapdi ng mga sugat.
bawat galaw kumikirot.
bakas na bakas sa mukha ang sakit,
kitang-kita sa mga kilos ang pagod,
damang-dama ang bigat ng pasanin.
sa katagalan, dahil sa paulit-ulit na pagkasugat,
di maiwasang magbago.
dahil pinipilit maibsan ang sakit,
nagiging manhid.
nagkakakalyo.
hanggang dumating sa punto,
sa kapal ng kalyo,
di na nakakaramdam
masaktan man o makasakit ng iba.
pano ba tanggalin ang mga kalyong 'to?
kayo?... alam nyo?
sakit ng mga sugat dulot ng mga tao o kapaligiran,
dulot ng mga pangyayaring di mo inaasahan
o kaya mga pangyayaring di mo iniwasan.
sa simula, ang hapdi ng mga sugat.
bawat galaw kumikirot.
bakas na bakas sa mukha ang sakit,
kitang-kita sa mga kilos ang pagod,
damang-dama ang bigat ng pasanin.
sa katagalan, dahil sa paulit-ulit na pagkasugat,
di maiwasang magbago.
dahil pinipilit maibsan ang sakit,
nagiging manhid.
nagkakakalyo.
hanggang dumating sa punto,
sa kapal ng kalyo,
di na nakakaramdam
masaktan man o makasakit ng iba.
pano ba tanggalin ang mga kalyong 'to?
kayo?... alam nyo?


6 Comments:
i know you know how pero since you ask puwede ko sagutin. but the question is makikinig ka ba? friend, just listen to the voice of the LOrd--his soothing voice. God bless.
By
Anonymous, at January 9, 2005 9:17 PM
hwag mo na hayaang kumapal ang mga kalyo mo..
mahirap na silang alisin kapag masyadong nang makapal..
ikaw din, mahihirapan ka lalo..
basta, yan, dito lang kame.. kaya mo yan bro!
just mmm.. sbi nga ni anonymous..Listen to the voice of God! :)
By
psyche, at January 10, 2005 12:08 AM
ang mga taong nagkakalyo ay ang mga taong kumikilos, gumagawa tulad ng mga magsasaka, mekaniko, karpintero, mga manggagawa... hindi ang mga tamad. hindi sila nagkakakalyo, nagiging bato lamang sila.
naging bato si don pedro at don diego dahil hindi nila kusang hiniwa ang kanilang mga braso at pinatakan ng kalamansi. tulad nila wala kang konsepto ng pagtitiis at pagpapakasakit. at tulad nila nahumaling ka sa ganda ng ibong adarna, nagpati-anod ka sa tamis ng awitin nito. masyado kanbg nahilig sa mga makamundong kaligayahan kaya nakatulog ka at di nakailag sa dumi nito. at naging bato.
maghihintay ka ba ng don juan?
walang don juan na darating. matagal mo na na silang pinatay. pero may pag-asa pa. alalahanin mo lang ang isnabi sa 'yo ng matandang nakasalubong mo sa daan. alalahanin mo hanggang sa sumakit ang buo mong pagkatao. alalahanin mo hanggang sa mabasag ang batong nakabalot sa buo mong pagkatao.
gumising ka. gumising ka sa katotohanan.
walang agua bendita. pero matagal ng pumapatak ang luha ng ating ama.
By
Anonymous, at January 11, 2005 2:09 AM
para dun kay anonymous na nagtag tungkol sa ibong adarna --> napakalalim naman ng analogy at dumating sa ibong adarana pa... anyways, di mo yata naintindihan ang ibig sabihin ng "pseudo poem na ito"... pero anyone is entitled to their opinion naman kaya ok lang :)... btw, sana magpakilala din tayo para ma acknowledge ... wag sana tayo magtago sa pangalang "anonymous"... salamat! ...
By
ian, at January 16, 2005 8:07 PM
grabe na ang adarna analogy. di ko ma-dig. hehe...
ian, patunay lamang na natutulak ang mga mambabasa ng iyong katha na galugarin ang malaon nang nakabinbing talento sa pagsulat ng matalinghagang sulatin.
see? pati ako nahawa.
anders
By
Anonymous, at January 17, 2005 10:09 PM
liha lang gamit ko pantanggal ng kalyo eh! :P
hehe,joke
By
beehard44, at April 11, 2010 3:05 AM
Post a Comment
<< Home